Wednesday, April 2, 2014

PANDIWA




https://www.google.com.ph/search?q=pandiwa+halimbawa&espv
Uri ng pandiwa:


PANDIWA

Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.


 


1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. 
Halimbawa: 
Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral 

2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon 
Halimbawa: 
Naglinis ng hardin si Nena. 

3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. 
Halimbawa: 
Ang matiyaga nagwawagi

Aspekto ng pandiwa: 
1. Perpektibo- nagsasaad ng kilos ay natapos na 

2.Imperpektibo- nagsasaad ng kilos ay nagaganap 

3.Kontemplatibo- nagsasaad na nag kilos ay gagawin pa lamang 

Pokus ng pandiwa 
1. Aktor/Tagaganap-ang gumaganap sa kilos ay ang simuno 

2. Layon/Gol- tuwirang layon ang simuno o tagaganap. 

3. Benepaktibo/Pinaglalaanan- pinaglalaanan ng kilos ang simuno 

4. Ganapan/lokatib- ang pinangyarihan ng kilos ang simuno 

5. Instrumental/gamit- gamit ang simuno 

6. Kawsatibo- ang sanhi ang simuno 

7. Resiprokal- resiprokal ang simuno 


http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_uri_ng_pandiwa




Aspekto ng Pandiwa:
 Salitang-ugat Aspektong
Perpektibo
 Aspektong
Imperpektibo
 Aspektong
Kontemplatibo
 mahal minahalminamahalmamahalin
 asa umasaumaasaaasa
 aral nag-aralnag-aaralmag-aaral

(1) Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan - naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng mga panlaping.

 "nag-", "um-", "-in-", "-nan", "ni-", 
"-an", at "na-"
mga halimbawa: 
nag-aral, uminom, minahal, itinanan, nilamon, nakitaannakita  

(2) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan - naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa Apektong Perpektibo.
 "nag-", "um-", "-in-", "-nan", "ni-", 
"-an", at "na-"
mga halimbawa: 
naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)
minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)
nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)

(3) Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap - naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: "mag-" , "ipag-", "maka-", "naka-". Maaaring ding gamitin ng sabay.
mga halimbawa: 
gagawa (ga-gawa), maglalaba (mag-la-laba)



Di-Karaniwang Pandiwa:

(1) Maykaltas - di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o pantig.
Salitang-ugat Panlapi Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 buhos -anbuhusanbusan
 higit ma- / -anmahigitan mahigtan
 lagay -anlagayan lagyan
 takip -antakipan takpan

(2) Maylipat - karaniwang ang pandiwa kung ang isa o dalawang titik ng salita ay naililipat, at may ilang titik o pantig na nawawala.
 Salitang-ugatPanlapiKaraniwang
Ayos ng Pandiwa
Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
tanim-antanimantamnan
atip-anatipanaptan
silid-ansilidansidlan


(3) Maypalit - napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.
 Salitang-ugatPanlapi Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
 Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 dinig ma- madinigmarinig
 dugtong ka- kadugtong karugtong
 halik -an halikan hagkan
 bayad -an bayadan bayaran


(4) Maysudlong - di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.
 Salitang-ugat Panlapi Karaniwang 
Ayos ng Pandiwa
 Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 antabay -an antabayan antabayanan
 kuha -in kuhain kuhanin
  mata -in matain matahin
 buti pag- / -an pagbutian pagbutihan


http://angpambansangwika.blogspot.com/2011/10/pandiwa.html

No comments:

Post a Comment