https://www.google.com.ph/search?q=pandiwa+halimbawa&espv
Uri ng pandiwa:
PANDIWA
Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa:
Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral
2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon
Halimbawa:
Naglinis ng hardin si Nena.
3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Halimbawa:
Ang matiyaga nagwawagi
Aspekto ng pandiwa:
1. Perpektibo- nagsasaad ng kilos ay natapos na
2.Imperpektibo- nagsasaad ng kilos ay nagaganap
3.Kontemplatibo- nagsasaad na nag kilos ay gagawin pa lamang
Pokus ng pandiwa
1. Aktor/Tagaganap-ang gumaganap sa kilos ay ang simuno
2. Layon/Gol- tuwirang layon ang simuno o tagaganap.
3. Benepaktibo/Pinaglalaanan- pinaglalaanan ng kilos ang simuno
4. Ganapan/lokatib- ang pinangyarihan ng kilos ang simuno
5. Instrumental/gamit- gamit ang simuno
6. Kawsatibo- ang sanhi ang simuno
7. Resiprokal- resiprokal ang simuno
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_uri_ng_pandiwa
Aspekto ng Pandiwa:
Salitang-ugat | Aspektong Perpektibo | Aspektong Imperpektibo | Aspektong Kontemplatibo |
mahal | minahal | minamahal | mamahalin |
asa | umasa | umaasa | aasa |
aral | nag-aral | nag-aaral | mag-aaral |
(1) Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan - naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng mga panlaping.
"nag-", "um-", "-in-", "-nan", "ni-", "-an", at "na-" |
mga halimbawa:
nag-aral, uminom, minahal, itinanan, nilamon, nakitaan, nakita
(2) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan - naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa Apektong Perpektibo.
"nag-", "um-", "-in-", "-nan", "ni-", "-an", at "na-" |
naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)
minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)
nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)
(3) Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap - naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: "mag-" , "ipag-", "maka-", "naka-". Maaaring ding gamitin ng sabay.
mga halimbawa:
Di-Karaniwang Pandiwa:
(1) Maykaltas - di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o pantig.
Salitang-ugat | Panlapi | Karaniwang Ayos ng Pandiwa | Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa |
buhos | -an | buhusan | busan |
higit | ma- / -an | mahigitan | mahigtan |
lagay | -an | lagayan | lagyan |
takip | -an | takipan | takpan |
Salitang-ugat | Panlapi | Karaniwang Ayos ng Pandiwa | Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa |
tanim | -an | taniman | tamnan |
atip | -an | atipan | aptan |
silid | -an | silidan | sidlan |
(3) Maypalit - napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.
Salitang-ugat | Panlapi | Karaniwang Ayos ng Pandiwa | Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa |
dinig | ma- | madinig | marinig |
dugtong | ka- | kadugtong | karugtong |
halik | -an | halikan | hagkan |
bayad | -an | bayadan | bayaran |
(4) Maysudlong - di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.
Salitang-ugat | Panlapi | Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
| Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa |
antabay | -an | antabayan | antabayanan |
kuha | -in | kuhain | kuhanin |
mata | -in | matain | matahin |
buti | pag- / -an | pagbutian | pagbutihan |
http://angpambansangwika.blogspot.com/2011/10/pandiwa.html